Mahigpit na nagsasagawa ng pagbabantay ang Department of Agriculture (DA) sa presyo ng mga lokal na prutas na magiging mabenta sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon sa DA Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) na kabilang sa mga minomonitor nila ay ang mga prutas gaya ng melon, pakwan, pomelo, avocado, mango at papaya.
Base sa kanilang monitoring na ang presyo ng pakwan ay mula P60 hanggang P90 kada kilo habang ang pomelo ay mula P80 hanggang P250 kada kilo; ang melon naman ay mula P60 hanggan P140 kada kilo, avocado ay mula P300 hanggang P600 per kilo; ang manga ay mula P150 hanggang P300 per kilo at ang papaya ay mula P60 hanggang P90 per kilo.
Inaasahan ng DA na magtataas pa ang nasabing mga presyo ng prutas ilang araw bago ang Bagong Taon kung saan tradisyunal ang paghahanda ng 12 bilog na prutas sa hapag kainan.