-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Agriculture, sa mga nagbebenta ng mga isda na huwag masyadong taasan ang presyo.

Ito ay dahli sa inaasahan magiging malakas ang bentahan ng mga isda ngayong panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Agriculture deputy spokesperson Joycel Panlilio , na dapat ang mga galunggong ay maglalaro lamang ng hanggang P320 kada kilo habang ang bangus naman ay hindi tataas na ng P250 kada at ang tilapia ay hindi rin lalagpas sa P180 kada kilo.

Sakaling mayroong paggalaw ay dapat na ito ay minimal lamang.

Inaasahan naman nito na magmumura na ang presyo ng mga isda pagkatapos ng Semana Santa.

Pagtitiyak niya na mayroong mga tauhan sila na nagmomonitor kung saan papanagutin ang mga abusadong negosyante.