-- Advertisements --

Bukas ang Department of Agriculture (DA) sa pangakong tulong ng Estados Unidos para tugunan ang problema sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, plano ng US na magpadala ng kanilang mga eksperto sa lalong madaling panahon.

Para kay Dar, baka may ibang pamamaraan silang matutunan sa mga dayuhan para masolusyunan ang ASF.

Muli namang nilinaw ng opisyal na hindi rito sa Pilipinas ang may pinakamaraming namatay na baboy dahil sa nasabing sakit.