Isinantabi ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang malakihang balasahan sa iba’t ibang ahensiya sa ilalim ng ahensya.
Ito ay sa gitna ng direktiba ng Office of the Ombudsman laban sa mga pinuno ng National Food Authority at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ayon sa kalihim, isolated incidents lamang ang mga ito kung saan ang kaso laban sa dating administrator ng NFA ay nangyari noong unang bahagi ng taon habang ang kaso naman ni dating BFAR director Demosthenes Escoto ay nangyari noong 2017.
Tiniyak naman ni Sec. Laurel na ang pagtanggal kay Escoto na nauna ng naatasang pamunuan ang pagbusisi sa disposition ng NFA rice buffer stocks sa nakalipas na mga taon ay hindi makakaapekto sa nagpapatuloy na imbestigasyon at inaasahang makukumpleto na ang imbestigasyon sa mga susunod na lingo.
Dagdag pa ng kalihim na hindi rin maapektuhan ang mga operasyon ng NFA at BFAR sa pagkakatalaga kina NFA acting administrator Larry Lacson, at assistant director for technical services Isidro Velayo Jr. bilang officer-in-charge ng BFAR.