-- Advertisements --

Lumikha si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ng Technical Working Group (TWG) para paigtingin ang administrative procedures at policies at tanggalin ang non-tariff sa agri imports. 

Itinalaga ng kalihim ng DA si Undersecretary for Policy, Planning and Regulations Asis Perez para pamunuan ang TWG na magpapadali para sa mga importer na kumuha ng mga lisensya o i-exempt ang mga lisensyadong importer mula sa pagsusumite ng mga kinakailangang rehistrasyon.

Inatasan din ni Sec. Tiu Laurel ang technical working group na:

– kumonsulta sa National Economic and Development Authority’s Committee on Tariff and Related Matters para payagan ang importasyon ng ilang produktong agrikultura kahit lampas pa sa dami na pinapayagan sa Minimum Access Volume at bawasan, kung hindi man alisin, ang mga administratibong bayad sa naturang importasyon;

– paigtingin ang proseso at mga kinakailangan para sa paglalabas ng mga pahintulot ng sanitary at phytosnaitary permits na kailangan para sa importasyon ng mga produktong agrikultura at;

– kumilos upang mapabuti ang logistics, transportasyon, distribusyon at imbakan ng mga inaangkat na agricultural products.

Iniutos din ni Laurel ang paglikha ng Technical Working Group secretariat, na pangungunahan ni Atty. Jomila May Fugaban. Ang koponan ay responsable sa regular na pag-uulat sa Kalihim ng DA kabilang ang mabisang pagpapatakbo ng naturang Technical Working Group. .