-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni Senator-elect Bong Go na naghain na ng courtesy resignation si Agriculture Sec. Manny Piñol.

Sa ambush interview bago ang kanyang oathtaking ceremony kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi, sinabi ni Go na ngayong araw niya nakita ang courtesy resignation ni Sec. Piñol .

Ayon kay Go, inihayag ni Sec. Piñol na handa siyang umalis sa pwesto kung wala ng tiwala sa kanya ni Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, inirekomenda umano ni Sec. Piñol kay Pangulong Duterte ang tatlong undersecretaries ng Department of Agriculture (DA) na pansamantalang papalit sa kanya hanggang makapili ng permanenteng agriculture secretary.

Batay umano sa sulat, handa daw si Sec. Piñol na tanggapin ang pagiging chairman ng Mindanao Development Authority (MinDA) kung ialok sa kanya ni Pangulong Duterte kapalit ng namayapang MinDA chairman Tahir Alonto.

Sa ngayon, hintayin daw muna ang desisyon rito ni Pangulong Duterte.