-- Advertisements --

Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat ng puwesto si Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol.

Sinabi ng mapagkakatiwalaang source na malapit kay Pangulong Duterte, ang posibilidad ng paglipat kay Piñol patungo sa ibang ahensya ay may kaugnayan sa ginagawang assessment ng pangulo sa performance ng mga miyembro ng gabinete.

Bahagi umano ito ng ginagawang konsultasyon ni Pangulong Duterte sa kanyang finance advisers lalo’t itinuturing ng administrasyong mahalaga ang nalalabing tatlong taon nito sa panunungkulan.

Pero paglilinaw ng opisyal, wala pa namang pinal na desisyon si Pangulong Duterte sa posibleng paglipat kay Piñol sa Mindanao Development Authority (MinDA).