-- Advertisements --

Isinisi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr sa nagdaang administrasyon sa nararanasang problema sa agrikultra ng bansa.

Sinabi nito na noong nakaraang mga administrasyon ay bigo silang makapag-invest sa irrigation at post-harvest para sa mga bigas at mais ganun din ang paghanap ng solusyon sa problema.

Igniit nito na wala itong nakikitang anumang rice cartel sa bansa kasunod ng nararanasang pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Ipinagmalaki rin ng kalihim na nitong pagkaupo lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng simulan ng gobyerno ang pag-invest sa sektor ng agrikultura.

Muling iginiit nito na ang target na P45 sa kada kilo ng bigas bilang suggested retail price ay maaaring makamit ng hanggang katapusan ng Marso.