BAGUIO CITY – Nakaalerto pa rin ang Department of Agriculture (DA)-Cordillera sa pagbabantay laban sa African Swine Fever (ASF).
Ito ay kahit abala ang ahensiya sa pagtulong sa mga magsasakang apektado sa isinasagawang enhanced community quarantine.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cameron Odsey, Regional Executive Director ng DA-Cordillera, inihayag niyang mahigpit pa ring binabantayan ang mga buhay na baboy at karne ng baboy na ipinapasok sa Cordillera Administrative Region.
Kaugnay nito ay sinabi niyang mahigpit din ang pagbabantay ng DA sa Avian influenza A o H5N6 na kumalat sa Nueva Ecija partikular sa mga alagang pugo.
Ipinaliwanag ni Odsey na dahil sa agarang aksyon ng pamahalaan ay agad na na-kontrol ang nasabing sakit sa Nueva Ecija at hindi ito kumalat sa ibang lugar ngunit sinabi niyang nakaalerto pa rn ang DA-Cordillera laban sa nasabing sakit.