Inaprubahan na ng Department of Agriculture (DA) ang accreditation ng 34 indian companies na siyang magsusuplay ng mga frozen buffalo meat o mas kilala bilang carabeef.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layon nito na mas mapalawak ang mga option ng mapagkukunan ng mga suplay ng Philippine food processors at maibaba ang presyo ng mga ito para sa mas murang pagkonsumo.
Dagdag pa ng kalihim, hindi intensyon ng programa na dagdagan ang pagaangkat mula sa ibang bansa, ito ay para makaakit aniya ng mga investors na nais makipagsabayan sa merkado habang napapanatili ang mga mababang presyo nito.
Siniguro naman ni Laurel na ang 34 na Indian exporters ay dumaan at nakapasa sa mga naturang requirement, sa kabila nito 13 naman ang hindi pinayagang makapagexport agad ng mga produkto dahil ang kanilang mga operasyon ay sumesentro sa tatlong estado na naiulat na aktibo sa food-and-mouth disease.
Samantala, ang desisyon na ito ng ahensya ay para masuportahan ang mga lokal na meat processors at gumawa ng mga murang corned beef na siyang ibebenta sa publiko.