-- Advertisements --

Dinagdagan ng Department of Agriculture (DA) ang mga produkto na pinatawan ng suggested retail price (SRP).

Ang nasabing hakbang ay dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga produkto sa mga pamilihan magmula ng ipatupad ang enhanced community quarantine.

Ilan sa mga dito ay ang NFA rice na mayroong P27 kada kilo habang ang special rice ay P53/kg, premium-P45/kg, well-milled rice – P40/Kg at ang regular ay P33/kg.

Ang manok ay P130/ kg habang ang karne ng baboy (pigue/ kasim) ay P190/kg.

Sinabi ni DA Secretary William Dar nais tiyakin ng coordinating council na bawat lungsod o bayan na bantayan ang mga presyo ng kanilang lugar.

Sakop ng nasabing SPR ang mga tinatawag na online palengke.