-- Advertisements --

Dumipensa si Department of Agriculture (DA) Region IV-A Executive Dir. Arnel de Mesa sa isyung ibinabaon nila ng buhay ang mga baboy na kinukumpiska sa mga babuyan sa probinsya ng Rizal.

Ayon kay De Mesa, may sinusunod silang protocol sa mga kinukuhang baboy bago ito ilibing.

Giit nito, mula noong umpisa ay may culling o maayos na pamamaraan ng pagkitil sa buhay ng mga apektadong alaga at hindi ito ibinabaon agad.

Pero sinabi ng isa sa tagapag-alaga ng baboy na si alyas “Marife,” nakita nilang gumagalaw pa ang mga sakong may lamang baboy bago ito hinuhulog sa malaking hukay.

Wala rin daw maayos na sistema sa pagkuha ng mga apektadong hayop at wala man lang silang natatanggap na papeles mula sa DA.