Humiling si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Customs na ipamahagi na ang 580 metric tons ng mga smuggled frozen mackerel na dumating sa Manila Port noong nakaraang buwan sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng mga nagdaang Bagyo.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Laurel na napagalaman na ng kanilang ahensya na fit for human consumption na ang mga naitalang tone-toneladang frozen mackerel at maaari nang ibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maipamahagi na sa mga apektadong residente bilang bahagi ng kanilang nagpapatuloy na relief operations.
Tinataya namang aabot sa P178.5 milyong piso ang kabuuang halaga ng mga puslit na frozen mackerel na nakumpiska ng BOC mula sa 21 na cointaners sa naturang pantalan sa Maynila.
Samantala, matatandaan naman na sa naunang plano ng parehong ahensya, nais nilang gamitin ang mga ipinuslit na frozen fish bilang karagdagang tulong sa mga apektado ng bagyong Kristine.