-- Advertisements --
market pig pork meat wet

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na mahigit 355,000 na mga baboy na ang ipinadala sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon upang umagapay sa suplay ng karneng baboy.

Umabot ng 4,437 na mga baboy ang nakarating sa Metro Manila noong Miyerkules, katumbas ito ng 26,785 kilograms ng mga baboy.

Dahil dito ang cumulative total ay nasa 355,978 na matapos magpadala ang mga probinsya ng kanilang suplay ng baboy sa Metro Manila noong Pebrero.

Magugunita na nooong nakaraan lang ng maapektuhan ang Luzon ng African Swine Fever (ASF).

Base sa datos mula sa ahensya, ang pinakamalaking bilang ng deliveries ay naitala sa Calabarzon Region na may kabuuang bilang na 1,426 na mga baboy o 32 percent ng deliveries noong Miyerkules.

Nagpadala naman ang Soccksargen Region ng 1,181 na mga baboy mula Generals Santos City at South Cotabato.

Sinundad ng Western Visayas na may 896 hogs mula Antique, Capiz, at Iloilo.

Mahigit 500 baboy naman ang ipinadala ng Bicol Refion, 230 hogs mula Mimaropa, at 145 hogs naman ang Davao Region.

Ang Central Luzon ay may pitong baboy mula Tarlac, bukod pa ito sa 28,785 kilograms na una nang ipinadala.

Makikita rin sa datos ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Service na naglalaro sa presyong P340 hanggang P390 ang kasim at P360 hanggang 420 naman ang liempo.

Ang pinakamababang presyo ng liempo at kasim ay nararanasan sa Region VI na nasa P250 bawat kilo at P260 bawat kilo.

Mataas naman ang presyo ng parehong parte sa Central Luzon na nasa P350 hanggang P380 bawat kilo.