Wala na munang limitasyon at ‘race-to-finish’ na muna ang pagbili ng mga local government units sa Department of Agriculture (DA) ng buffer stocks mula sa National Food Authority (NFA) dahil sa marami-rami pa ang buffer stocks na mayroon ang mga NFA warehouses sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan na muna mailabas ang buong 150,000 metric tons na bahagi ng 300,000 metric tons na buffer stocks ng NFA dahil sa paparating na anihan.
Ito palang kasi ang kauna-unang beses na nakapagbenta na ng NFA rice sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan simula nang manunsyo ang food security emergency for rice nitong pagpasok ng Pebrero.
Aniya, kapag tumaas ang naging demand sa pagbili ng stocks ng mga LGUs ay tsaka lamang magtatalaga ng limitasyon ang departamento sa kung ilang sako ng bigas ang magiging alokasyon nito kada LGU.
Tungkol naman sa distribusyon ng mga bigas sa publiko, Ani Laurel, depende na sa lokal na pamahalaan kung paano nila ibebenta angmga bigas sa merkado.
Sa San Juan kasi, inumpishan na muna ang bentahan ng mga NFA rice ng kada sako na mabibili sa halagang P1650.00.
Sa dami rin umano ng mga LGU’s sa buong bansa, iiwan na lamang aniya ng DA ang distribusyon sa mga Mayors at kung paano ang magiging siste nila sa bentahan nito.
Sa ngayon, target na muna ng departamento na mailapit sa mga mamamayan ang mas murang bigas para sa mas abot kayang pagkonsumo ng publiko.
Inaasahan naman na sa mga sususnod na araw ay ilang mga LGU’s na rin ang makakapagbenta ng mga NFA rice sa kani-kanilang lokal na pamahalaan at inaasahan na tatangkilikin din ito ng mga mamimili.