-- Advertisements --

Hindi ikinatuwa ng Department of Agriculture (DA) ang mataas na presyo ng bawang ngayon sa mga pamilihan na siyang mas mahal kaysa sa inaasahan ng departamento.

Sa naging price monitoring kanina ng departamento kasama ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), kapansin-pansin ang mataas na presyo ng mga bawang na hindi umano pangkaraniwan lalo ngayon.

Kasalukuyan kasing naglalaro sa mga presyo ng mga naturang produkto simula P140-P150/kilo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., pinagaaralan na ng kanilang tanggapan kung paano mareresolba ang hindi karaniwang pagtaas ng presyo ng bawang at kung paano maaagapan ang patuloy na pag-arangkada ng presyo nito sa mga pampublikong mga pamilihan.

Samantala, ayon din sa kalihim, madali lamang makokontrol ang presyo nito lalo na’t 95% ng mga ibinebentang mga bawang sa pamilihan ay pawang mga imported na inangkat pa mula sa China.