-- Advertisements --

Hindi pa rin natatanggap ng Department of Agricuture (DA) ang resolusyon mula sa National Price Coordinating Council (NPCC) para sa nakatakda sanang deklarasyon ng ‘food security emergency for rice’.

Matatandaan kasi na ngayong araw ang nakatakda sanang deklarasyon nito para marelease ang mga stocks na nasa warehouses ng National Food Authority (NFA) at para tuluyan na rin sanang maibenta sa mga local government units at maging sa mga government agencies gaya ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga naturang NFA rice.

Ilang bahagi naman ng tone-toneladang stocks ang gagamitin sa mga Kadiwa Kiosk at ibebenta sa halagang P38/kilo.

Tinataya namang tatagal ng higit tatlong araw ang magiging deliberasyon at pagsusuri ng ahensya sa naturang resolusyon kapag natanggap na ng kanilang departamento ang mga kaukulang papeles.

Samantala, patuloy naman ang DA sa paghihintay sa resolusyon at target pa rin na ngayong linggo ay maanunsyo na ang food emergency para sa bigas.

Top