Hinihimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga kabataang Pilipino na subukang pasukin ang agriculture business sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng financial support na handog ng ahensya o “Kabataang Agribiz Grant Assistance Program,” layunin ng ahensya na magbigay sa kabataan ng tulong pinansyal para suportahan ang plano nilang magtayo ng negosyo na naka-focus sa palay, livestock productions, fisheries, trading, processing, integrated farming, at agricultural technology.
Nais ng Kabataang Agribiz na kumbinsihin ang henerasyon ngayon na ang agricultural development at food production-related endeavors ay magandang gawin bilang negosyo.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar na ang bagong programa na ito ay magbibigay-daan umano upang ipaintindi sa mga kabataan ngayon ang kahalagahan ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa.
Karamihan daw kasi ng mga kabataan nagyon ay mas pinipili na manirahan sa syudad upang mamasukan sa mga commercial centers.
Para raw masolusuyunan ag problemang ito, gumawa ang ahensya ng programa para sa kabataang Pilipino upang makapagsimula sila ng kanilang agribusiness sa production, value-adding, innovation, at iba pa.
Ang naturang programa ay may total grant value na P74 million. Bukas ito para sa lahat ng interesadong natural-born Filipino na nasa edad 18 hanggang 30-anyos at handang makiisa sa agriculture at fishery business.
Sa mga qualified applicants, kinakailangan nilang magpasa ng Business Model Canvass (BMC) na may potential profit sa Agribusiness and Marketing Assistance Service ng DA Central Office at Agribusiness and Marketing Assistance Division sa regional offices.