-- Advertisements --
Nanawagan si Agricultural Secretary Francisco Tiu Laurel na bawasan dapat ng Japan ang taripang ipinapataw sa mga saging na galing sa Pilipinas.
Isa kasi ang Japan na may pinakamalaking market ng sa bansa subalit malaki pa rin ang ipinapataw na taripa na aabot ito ng 18 percent.
Nakasaad sa nasabing Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) na dapat ay hanggang 8 percent lamang ang nasabing taripa.
Dagdag pa opisyal na ang pagbawas ng taripa ay siyang makakatulong sa mas malaking investment sa mga pagawaan ng saging sa bansa.
Umaas naman ang opisyal na mapapakinggan ng Japan ang hiling ng kaniyang opisina para sa pagpapababa ng taripa.