Posibleng magtataas ang presyo ng itlog sa mga palengke, kasabay ng pagsisimula ng SY 2024 – 2025.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, kadalasang nangyayari ito dahil sa pagtaas ng demand sa itlog, at inaasahang magtutuloy-tuloy na ang mataas na demand hanggang sa ‘ber’ months.
Batay sa monitoring ng DA-Bantay Presyo, umaabot sa P5.50 hanggang P9 ang kada pirasong presyo ng medium-sized na itlog sa Metro Manila.
Ayon kay De Mesa, maaaring aangat ang naturang presyuhan mula sampung porsyento hanggang 20%.
Sa kabila nito, sinabi ni Philippine Egg Board Association president Francis Uyehara na nagsimula na noong buwan ang pagtaas ng presyo ng mga itlog sa mga merkado.
Aniya, bahagi ito ng “third quarter syndrome” o ang panahon ng maraming mga nagkakasakit na manok kung saan maraming mga layer ang namamatay at tuluyang bumababa ang populasyon ng mga ito.
Maaari din aniyang magtutuloy-tuloy ito hanggang sa holiday season.