-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture na wala nang panibagong kaso ng Bird flu ang naitala sa mga lugar sa lalawigan ng Cagayan.

Dahil ito ay opisyal nang ideneklara ng ahensya ang naturang lalawigan bilang bird flu free.

Ayon sa DA, resulta ito ng walang tigil nilang pagsasagawa ng monitoring sa mga lugar na tinamaan ng naturang sakit sa mga ibon at poultry.

Batay sa kanilang pagsusuri, lumalabas na wala nang kaso ng nasabing virus sa nasabing lalawigan.

Kung maaalala, naging mahigpit ang ginawang monitoring ng mga kinauukulan sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pagkakatuklas ng H5N1 strain ng bird flu virus noong Enero ng nakalipas na taon.

Ayon sa DA, ang lalawigan ng Cagayan ay daanan talaga ng mga ibon at migratory bird species na maaring kontaminado ng naturang virus.