-- Advertisements --

Walang nakitang anumang pag-hoarding ng mga sibuyas ang Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, na inikot nila kasama ang Bureau of Plant Industry ang mga bodega ng sibuyas sa Southern Tagalog at Central Luzon at nakita nilang mayroon lamang 500 metric tons ng pulang sibuyas ang natira.

Isinagawa nila ang nasabing inspection dahil sa pagsipa ng presyo ng sibuyas kung saan aabot na sa mahigit P200 ang kada kilo nito.

Inaasahan naman ng DA na magbababa na ang presyo ng pulang sibuyas sa buwan ng Marso at Abril dahil ito ang panahon ng pag-aani ng pula at puting sibuyas.

Nakatakda ring dumating ang mga inangkat na sibuyas sa mga susunod na araw.