-- Advertisements --
Maglulunsad ng imbestigasyon ang Department of Agriculture (DA) dahil sa ulat na kakaunti ang tumugon sa pagpapatupad ng maximum suggested retail price sa mga karne ng baboy.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, na mayroon lamang 20 percent sa 170 retailers ang sumunod lamang sa MSRP.
Sa nasabing MSRP ay hinihikayat nilang magbenta ang mga retailers ng hindi na tataas sa P380 kada kilo sa mga liempo habang ang mga pigue at ham ay hindi na dapat tumaas ng P350 kada kilo.
Paliwanag pa ng opisyal na bagamat isang linggo na ang nakalipas ay maaring nagkaroon lamang ng adjustments ang ilang mga pamilihan.
Magugunitang ipinatupad ang MSRP matapos ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy sa bansa.