-- Advertisements --
Maglulunsad ng imbestigasyon ang Department of Agriculture (DA) sa natanggap nilang reklamo na mayroong ‘bukbok’ na nakita sa bigas na ibinenta sa Kadiwa markets sa lungsod ng Quezon.
Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa na kanilang titignan mabuti kung ang naibentang bigas sa Murphy Market sa Quezon City ay dumaan sa masusing pagsusurii .
Giit nito na ang nasabing insidente ay maituturing na isolated case lamang dahil ito lamang ang insidente na kanilang natanggap.
Natitiyak niya ang mga bigas na galing sa mga bodega ng National Food Authority (NFA) ay nasa magandang kalidad bago ito ibenta sa mga iba’t-ibang palengke sa bansa.