-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Agriculture na lalo pang sisigla ang industriya ng pag-aasin sa bansa ngayong pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Salt Industry Development Act.

Sa isang pahayag, sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, sa ilalim ng batas ay nakatakda ang pagbalangkas sa isang road map na siyang tututok sa pagpapalago ng nasabing industriya.

Nakalaan na rin aniya ang pondo para dito para matiyak na matututukan ito.

Kabilang sa target na pagtuunan ng pansin ay ang mechanization, post-harvest, at pati na research and development.

Malaki aniya ang maitutulong ng naturang batas upang mapalago ang produksyon ng mga salt farmers sa Pilipinas.

Naniniwala rin ang DA na sa ganitong pamamaraan ay unti-unti nang matutugunan ang malaking demand ng Pilipinas sa Asin.

Ang Pilipinas kasi ay matagal nang nag iimport ng asin sa ibang mga bansa para matugunan ang demand nito sa bansa.