-- Advertisements --
image 303

Inaalam na ng Department of Agriculture ang dahilan ng pagtaas sa presyo ng mga produktong carrots sa ilang pamilihan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Batay kasi sa monitoring ng DA, mayroon nang paggalaw sa presyo ng mga produktong carrots kung saan ang ibang mga pamilihan ay umaabot na sa P200 kada kilo ang presyo, samantalang ang ibang pamilihan ay hanggang P160 lamang.

Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, maging sa mga trading posts ay mayroon na ring paggalaw sa presyuhan, kung saan sa ngayon ay umaabot na ng hanggang sa P116 kada kilo.

Paliwanag ni Evangelista, maaaring apektado ang produksyon ng mga magsasaka dahil sa mga sunod-sunod na pag-ulan sa mga nakalipas na araw. Kasama rin dito ang gastusin sa pag-aani, at maging sa transportasyon o pagbibiyahe sa mga produkto.

Sa kasalukuyan, pinakilos na aniya ng kagawaran ng Pagsasaka ang mga regional offices nito upang tumulong sa pagbibiyahe sa mga produktong carrots, lalo na ang mga dadalhin sa mga Kadiwa stores.

Pagtitiyak ng DA official na nakahanda silang muling magpadala ng mga malalaking truck upang makatulong sa mga magsasaka.