-- Advertisements --
Inihayag ni Agriculture Secretary Tiu Laurel Jr. na inaasahan na nilang bababa ang presyo ng bigas ngayon kasabay ng pagbaba umano ng world prices na mula sa 700$ ay nasa 600$ per ton nalang.
Ayon kay Laurel, sa ngayon ay sapat pa rin ang bufferstock ng bansa sa kabila ng pansamantalang pagsasara ng ilang warehouse ng National Food Authority.
Nasa 97 NFA warehouse pa ang kasalukuyang nakasara sa ngayon ayon sa kalihim. Pero nakabili naman umano ang National Food Authority ng palay na sapat naman para sa pangangailangan ng bansa.
Dagdag pa ni Laurel, anihan ngayon at mananatili ito hanggang Mayo at regular din ang dami na natatanggap na importasyon ng bigas ng bansa kaya walang dapat ipangamba sa usapin hinggil sa suplay ng bigas.