Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na ang Lagonglong Port sa Misamis Oriental ay magpapalakas ng kapasidad ng kalakalan sa Mindanao.
Gayundin na magpapahusay ng logistical capabilities sa rehiyon, at magbibigay daan para sa paglikha ng mga bagong oportunidad sa trabaho.
Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang nasabing port ay nakikiisa sa pagtulak ng Department of Agriculture na palakasin ang produksyon ng agrikultura sa bansa.
Inaasahang matatapos sa Marso 2025, ang proyekto ay isang pribadong commercial port development.
Aniya, ang daungan ay mag-aangat ng kahusayan sa mga tuntunin ng pagdadala ng mga mahahalagang kalakal at pagpapanatili ng kalidad ng mga produktong pang-agrikultura sa pamamagitan ng mga pasilidad ng imbakan.
Binigyang-diin ni Laurel na ang Lagonglong Port ay maaari ding maging trailblaze sa pag-unlad ng mga pabrika, processing plants, at iba pang pasilidad na makapagpapaunlad ng agricultural movement sa bansa.
Alinsunod sa agenda ng food security ng DA, ang naturang daungan ay magtatampok ng mga storage facilities at modernong kagamitan upang pangasiwaan ang parehong internasyonal at domestic na mga kalakal.