
Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na walang pagtaas sa presyo ng bigas hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na nakikita ng gobyerno ang mas matatag na suplay ng bigas kasunod ng pagsisimula ng panahon ng ani at ang inaasahang pagdating ng mga importasyon.
Aniya, mataas ang harvest ngayong wet season magmula noong katapusan ng Agosto.
Ngayong Setyembrehanggang Nobyembre ay inaashaan na wala pagtaas ng presyo sa nasabing produkto.
Dagdag pa nito na kung papasok pa ang additional imports nitong huling buwan ng Setyembre , papalo aniya ito sa mahigit 271,000 metric tons.
Marami din naman kasi aniya ang pumapasok na imported na bigas sa huling bahagi ng taon.
Matatandaan na upang higit pang madagdagan ang input ng mga magsasaka, inaprubahan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P12.7 bilyon na tulong pinansyal sa mga maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).