Inalis na ni Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang ban sa pag-aangkat ng poultry products mula sa Belgium at France matapos na ma-contain na ang avian influenza sa 2 bansa.
Ito ay sa bisa ng inisyung Memorandum Order No. 15 ng kalihim na nagpapahintulot sa pag-aangkat ng domestic at wild birds at mga produkto mula sa Belgium.
Base kasi sa opisyal na deklarasyon ng Belgium sa World Organization for Animal Health, wala ng karagdagang outbreaks na naiulat matapos na ang mga naitalang kaso noong Pebrero 21 sa Belgium at noong Pebrero 24 sa France.
Matatandaan na una ng ipinagbawala ng importasyon ng poultry products kabilang ang day-old chicks at hatching eggs na nagmumula sa nasabing mga bansa kasunod ng outbreak ng bird flu.