-- Advertisements --
Inalis na ng Department of Agriculture ang temporary ban para sa pag-aangkat ng kambing mula sa Estados Unidos.
Ibig sabihin maaari nang mag -import ng kambing mula sa naturang bansa.
Kung maaalala, ipinatupad ng ahensya ang naturang kautusan dahil sa pagkakadiskubre ng Q fever sa ilang imported na kambing mula sa nasabing lugar.
Upang mapigilan na makapasok sa Pilipinas ang naturang sakit , kaagad na pinatay ang lahat ng kambing na nakitaan nito ng sakit na pinangunahan ng Bureau of Animal Industry.
Sa naging pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, ang pagbawi sa kautusan ay dahil sa pagtitiyak ng DOH na hindi magkakaroon ng malaking banta sa kalusugan ng mamamayan ang naturang sakit sa hayop.