-- Advertisements --

DAGUPAN CITY — Aminado ang Department of Agriculture (DA), na mayroong malaking gap sa implementasyon ng modernisasyon sa sektor ng pangingisda at pagsasaka sa bansa.

Ito ang nabatid kay DA Sec. William Dar, sa pagbisita nito sa lalawigan ng Pangasinan.

Aniya, isa pa ito sa mga pumirma noon higit 20 taon na ang nakakalipas, sa Implementing Rules and Regulations (IRR) sa modernisasyon ng sektor ng pangisda subalit, hanggang sa ngayon ay hindi pa ito tuluyang naisasakaturan.

Habang sa panig naman ng pagtatanim, ayon pa kay Sec. Dar, mayroon ng Rice Tariffication Law subalit hindi rin sumabay ang modernisasyon dito.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng pakilala nito sa kahalagahan ng modernisasyon sa pagtaas ng ani, huling isda at kita sa Agrikultura.