-- Advertisements --

Pinayagan na ng pamunuan ng Department of Agriculture ang importasyon ng 25,000 metric tons ng produktong isda at seafood products sa buwan ng Marso ngayong taon.

Ito ay matapos na aprubahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga guidelines para sa pag-aangkat nito.

Layon ng hakbang na ito ng ahensya na masiguro ang sapat na supply ng nasabing mga produkto sa mga pamilihan.

Mandato naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa nasabing panuntunan na magpalabas ng mga sanitary at phytosanitary import clearances na tatagal ang bisa hanggang 45 days o halos dalawang buwan.

Sa ilalim ng inaprubahang guidelines, pinapayagan na mag-imbak ng mga imported seafood ang mga accredited cold storage facility ng BFAR.

Maaari ring lumahok sa programa ang mga importers na accredited na ng ahensya ng hindi bababa sa isang taon.

Kabilang na dito ang mga importer na dati nang nag-iimport ng mga nabanggit na produkto.