-- Advertisements --

Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang lahat ng makukuhang binhi ng palay upang palitan ang mga pananim na naapektuhan ng mga nagdaang pagbaha sa Northern Samar.

Bukod sa paggawa ng imbentaryo ng kasalukuyang magagamit na mga binhi sa rehiyon, ang tanggapan ng DA ay humingi na ng kapalit na mga stock mula sa Philippine Rice Research Institute at iba pang tanggapan ng DA kung mangangailangan pa ang mga magsasaka.

Sa pagtatapos ng Nobyembre, ang DA regional office sa bahagi ng Samar ay mayroong 2,000 bags ng rice seeds, 920 bags ng registered rice seeds, at 437 bags ng hybrid rice seeds.

Ang field office ay mayroon ding mga imbentaryo ng buto ng mais, sari-saring buto ng gulay, pinagputulan ng kamoteng kahoy, at iba pang agricultural products.

Matatandaang iniulat ng DA noong nakaraang linggo na umabot na sa P104.96 milyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil sa malawakang pagbaha sa mga lalawigan ng Samar.

Ang sama ng panahon ay nakaapekto sa 4,571 magsasaka na nagbubunga ng 2,751 ektarya ng lupa sa tatlong lalawigan ng Samar.

Naitala na ang bigas ang may pinakamalaking pagkalugi sa P84.50 milyon, na sinundan ng mga high-value crops sa P9.21 million, saging sa P3.91 millio, livestock sa P2.48 million, at mais sa P1.29 million.