Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng condemnation facility para maiwasan ang muling pagbebenta ng smuggled agricultural goods na nakumpiska ng mga lokal na awtoridad.
Ginawa ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang naturang panukala kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ng DA sa umano’y diversion ng mga produktong pang-agruikultura mula sa pier na ilegal, may dalang animan diseases o mga kontrabando para matiyak na walang mangyayaring iregularidad.
Lahat naman ng mga forfeited at inabandonang produkto mula sa mga pier ay ililipat sa condemnation facility kung saan itatapon o sisirain ang mga ito.
Una rito, ayon sa kalihim, nakatanggap ang DA ng reports na ang ilang nasamsam na agricultural products ay dina-divert kayat sinimulan na ng enforcement unit nito na imbestigahan ang naturang insidente.