Patuloy ang ginagawang hakbang ng Department of Agriculture upang mapalawak ang availability ng mga bakuna sa baboy kontra sa ASF.
Ayon sa ahensya, kailangang maging commercially available ang mga ito sa lalong madaling panahon o bago sumapit ang buwan ng Hunyo.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr na pinag-aaralan nilang magsumite ng rekomendasyon sa paggamit ng ASF vaccines sa Food and Drug Administration.
Ito ay dahil nalalapit na rin ang pagtatapos ng pagsasagawa ng mga ito ng field testing.
Kumbensido ang kalihim na malaki ang maitutulong ng naturang bakuna para masolusyunan ang mga kaso ng ASF sa bansa lalo na sa industriya ng pagbababoy.
Sa kabila nito ay siniguro ng DA na nananatiling kontrolado ang kaso ng ASF sa Pilipinas.