-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Agriculture na malawak ang mga sakahang naapektuhan ng naging pananalasa ng bagyong Nika sa bansa.

Batay sa datos ng ahensya, aabot sa higit 50 ektarya ng lupaing sakahan ang nasira ng bagyo lalo na sa bahagi ng Central Luzon.

Ito ay katumbas ng kabuuang halaga ng pinsala na aabot sa ₱860,000 bagay na malaking kalugihan ng mga magsasaka.

Wala namang patid ang ahensa sa pagsasagawa ng mga mahahalagang hakbang upang matugunan ng mabilisan ang naging epekto ng sunod-sunod na kalamidad.

Partikular na tinukoy ng ahensya ang kanilang mga binubuong mga interventions para sa lahat ng mga magsasaka na naapektuhan ng bagyo.

Kabilang na dito ang pamamahagi ng mga farm inputs habang nagaalok rin ang ahensya loan sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program sa ilalim ng kanilang Agricultural Credit Policy Council .