-- Advertisements --

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na posibleng sumipa ang presyo ng karneng baboy sa bansa sa pagpasok ng buwan ng Disyembre lalo’t nalalapit na ang kapaskuhan.

Sa Pasig Mega Market, inabisuhan na ng mga Pork vendor ang kanilang mga suki sa posibleng pagtaas ng presyo nito.

Ayon sa ahensya, maaaring umabot sa P5 hanggang P10 ang magiging taas presyo sa karneng baboy pagsapit ng buwan ng Disyembre.

Tumaas kasi aniya ang demand sa naturang produkto tuwing papalapit ang pasko sa bansa.

Karaniwan na itong nangyayari tuwing holiday at nagtutuloy-tuloy hanggang sumapit ang bagong taon.

Sa ngayon, naglalaro sa P320 ang kada kilo ng presyo ng kasim at P370 naman ang per kilo sa liempo.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ng pamunuan ng National Federation of Hog Farmers (NFHF) sa publiko na nananatiling sapat ang supply ng baboy sa bansa para sa papalapit na pasko at bagong taon.

Sinabi naman ng DA na sakaling tumaas man ang presyo ng karneng baboy sa mga merkado at maliit lamang ito at abot kaya pa rin para sa mga mamimili.