-- Advertisements --

Balak ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit 500,000 tonelada ng mga smuggled frozen fish na nasakote ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol Region bilang parte ng kanilang tulong.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio na napag-isipan umano ng kanilang ahensya sa tulong ng Department of Agriculture na kailangan muna isailalim sa mga test ang naturang mga isda para malaman kung ito aniya ay “fit for human consumption” bago ipagkaloob sa mga apekatadong residente sa Bicol.

Dagdag pa ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na sa kanilang pag-iikot at pagbisita sa Naga thru aerial inspection, marami talaga ang tinamaan at naapektuhan ng pananalasa ng nagdaang severe tropical storm Kristine.

Dagdag pa ng opisyal na baka ang 21 containers na ito ay hindi maging sapat at sa malamang daw sa evacuees pa lamang ay mauubos na agad ang mga nasabat na frozen fish.

Sa ngayon ay patuloy naman ang pagtukoy ng mga otoridad kung kanino dapat ipapadala ang mga isdang ito at paano iyon dapat ikokonsumo.

Ang tanging lead na mayroon lamang ang DA at BOC sa ngayon ay ang mga logo at ilang mga Chinese characters na maaari aniyang patunay na ang mga smuggled frozen fish ay iniangkat pa mula sa China.