Ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) ang mabilisang pagpapalabas sa P93.8 billion na pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga biktima ng Supertyphoon Julian.
Ito ay upang magamit na ng mga magsasaka at makabangon mula sa epekto ng naturang bagyo.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangang mabilis ang pagbibigay ng bayad-danyos/insurance sa mga magsasaka upang makapagsimula silang muli at maibalik ang production loss na nasayang sa pananalasa ng bagyo.
Batay sa datos ng PCIC, kabuuang 10,781 magsasaka ng mais, palay, at high value crops ang makakatanggap ng bayad-danyos. Ang mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Cagayan Valley.
Ayon sa kalihim, maaaring magamit ng mga magsasaka ang matatanggap na bayad bilang pambili ng mga agri inputs at makapagsimula muli sa pagtatanim.
Batay sa huling datus na inilabas ng DA, umabot sa P607.38 million ang halaga ng pinsalang iniwan ng ST Julian sa sektor ng pagsasaka.
Naka-apekto ito sa kabuhayan ng mahigit 33,000 magsasaka sa Northern Luzon.