Ikinatuwa ng Department of Agriculture ang positibong development ng mga anti-ASF vaccine na itinurok sa mga piling baboy sa Lobo, Batangas.
Kung maaalala, nagkasa ng pagbabakuna ang mga kawani ng DA sa ilang farm sa naturang lalawigan at daan daang mga baboy ang naturukan ng bakuna kontra ASF.
Ayon sa DA, aabot na ngayon sa 90% ang nabuong antibodies ng mga baboy na naturukan.
Naging maayos rin ang kalagayan ng mga baboy matapos na mabakunahan.
Batay sa datos ng DA , patuloy ang kanilang isinasagawang pagbabakuna gamit ang natitirang doses mula sa 10,000 emergency-procured AVAC live vaccines.
Ito ay isinasagawa nila sa iba pang lugar sa lalawigan ng Batangas.
Samantala, sinabi naman noon ng ahensya na target nilang gawing commercially available ang naturang bakuna bago matapos ang kasalukuyang taon.