-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) ang positibong epekto ng Rice Tarrification Law.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, na sa loob ng anim na taon ay ngayon lamang bumaba sa pinakamababang level ang presyo ng bigas dahil na rin sa batas.

Base kasi sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang retail ng regular-milled rice ay nasa P36.53 per kilo sa unang linggo ng Enero 2020.
Mas mababa ito ng 12.3% mula sa dating P41.63 kada kilo noong Disyembre 2019.

Habang ang well-milled rice ay mas mura ng 11%$ o P37.24 kada kilo sa unang linggo rin Enero 2020 kumpara sa P41.82 kada kilo noong Disyembre 2019.