-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr ang desisyon nila na mag-angkat ng mga sibuyas.

Sinabi ng kalihim na dapat nitong buwan lamang ay mayroong 7,000 tonelada na kakulangan ng sibuyas sa bansa.

Dagdag pa nito na kanilang inaprubahan lamang ang 4,000 na tonelada na kinabibilangan ng 3,000 tonelada para sa pulang sibuyas at 1,000 tonelada para sa puting sibuyas para mapunan ang kakulangan.

Paliwanag pa nito na hindi naman siya magsasaka, importer at siya ay Kalihim na nag-ma-manage ng sitwasyon.

Hanggang sa kalagitnaan pa ng Marso o Abril ang harvest season ng sibuyas kaya kung hindi nito tutugunan ngayon ang kakulangan ay maaring lumala pa ang presyo ng mga ito.

Isang taktika lamang ang kanilang ginawa ngayon na pag-aangkat sa limitadong oras para maiwasan ang anumang paglobo ng presyo ng mga sibuyas.

Magugunitang binatikos ng mga magsasaka ang
desisyon ng DA na mag-angkat ng sibuyas dahil sa harvest season na ngayon at tiyak na maraming suplay ang darating sa mga susunod na linggo.