-- Advertisements --
Ipinanukala ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasagawa ng ‘urban agriculture’ para maresolba ang kakulangan ng suplay ng pagkain.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, na mahalaga ang pagtatanim kahit lamang sa bakuran ng bawat isa.
Kung sakaling maging istrikto ang mga bansa sa pag-angkat ng kanilang produkto ay hindi maaapektuhan ang bansa dahil sa mga bawat kabahayan ay sariling tanim na gulay.
Nananawagan ito sa mga mamamayan na makipag-ugnayan sa mga local na agriculture office para makahingi ng mga buto ng gulay na itatanim.