-- Advertisements --

Isinasapinal na ng Department of Agriculture (DA) ang government-to-government deal sa pagsuplay ng fertilizer sa susunod na taon.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga bansa kung saan kukunin ang mga fertilizers.

Target nila sa Enero ay mapirmahan na ang kasunduan ng pagsuplay ng mga pataba sa bansa.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na makatiyak ang ahensiya na mayroong makuhang murang suplay ng pataba ang bansa.

Dahil aniya dito ay may inilaan ang gobyerno ng P4-bilyon na halaga ng fertilizers bilang subsidy ng DA sa mga magsasaka dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito.