-- Advertisements --
Naniniwala si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na may mga hoarding na ginagawa ang mga traders at millers kaya bumababa ang pagbili ng palay.
Ayon sa kalihim, maaring sinasamantala ng mga negosyante ang implementasyon ng rice tariffication law kung saan tinanggal na ang restriction sa bigas at pagbibigay ng 35 percent tariff sa imports mula ibang bansa sa Southeast Asia.
Nilinaw nito na hindi ang rice tariffication law ang sahi ng pagbaba ng pagbili ng mga palay sa murang halaga at sa halip ay sa mga hoarders.
Sinasabing bumagsak pa raw sa P7 na lamang ang presyuhan sa bawat kilo ng palat.
Tiniyak naman ni Sec. Dar na kanilang pananagutin ang mga nagsasagawa ng rice hoarding sa bansa.