Isinusulong ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasagawa ng mas maaayos na mga imprastraktura para mas mapababa pa lalo ang mga transport cost ng mga raw materials patungong merkado.
Ito kasi ang nagiging dahilan ng mga matataas na presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng baboy sa mga pamilihan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa naging pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., magkakaroon ng mas epektibong supply chain kasabay ng pagbaba ng mga costs mula sa mga farm patungo sa mga pamilihan.
Kaugnay nito ay nakikipagugnayan na rin ang ahensya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga gagawing upgrades sa mga daanan at tulay para sa banayad na daloy sa pagaangkat ng mga agricultural products.
Ani pa ng kalihim, ito rin ay naglalayon na maiwasan ang pagkasira ng mga produkto at nakakapagpanatili ng tamang presyuhan sa mga pamilihan.
Samantala, ang proyekto ay hindi lang din para sa mas maalwang proseso ng pagaangkat ng mga raw materials ngunit para na rin sa mas mababang transport costs sa ibang mga kalapit bansa gaya ng Thailand at Vietnam.