-- Advertisements --
Mariing pinabulaanan ng Department of Agriculture (DA) ang lumabas na ulat ng United States Department of Agriculture-Foreign Agricultural Service (USDA-FAS).
Matatandaang lumabas sa record ng USDA-FAS na mas malaki pa ang inangkat ng Pilipinas kumpara sa China.
Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, sa simula pa lang ay nakakaduda na ito dahil sa laki ng pagitan ng dalawang bansa na kumukonsumo ng bigas.
Sa atin ay mayroong 100 million population, habang ang higanteng bansa ay mayroong 1.3 billion na mamamayan.
Nitong buwan ng Oktubre, nasa 1.87 million metric tons ang binili ng Pilipinas, habang 2.5 million metric tons naman sa China.