Binigyang-diin ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na maituturing na economic sabotage ang mga hakbang para harangin ang mga bakunang binibili kontra African Swine Fever (ASF).
Matatandaang bumili ng bakuna ang Department of Agriculture sa Vietnam.
Ito ay inaasahan ngayong linggo ang 150,000 doses ng gamot, bagay na kinuwestiyon ng Ombudsman kaugnay ng importation field trial at registration ng nasabing bakuna.
Ayon sa DA, dahil sa inihaing reklamo posibleng made-delay na naman ang pagbabakuna kontra ASF pero pipilitin ng ahensya masimulan pa rin ito sa ground zero ng ASF o sa Batangas kung saan marami ang kaso ng naturang sakit.
Dati nang sinabi ng BAI na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang bansa para sa supply ng ASF vaccine sa Pilipinas.