-- Advertisements --
Kampante ang Department of Agriculture(DA) na makakarating na sa Pilipinas ang kabuuang 600,000 na bakuna kontra African swine fever (ASF) bago matapos ang taon.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr, bagaman pa-unti-unti ang delivery sa bulto ng bakuna, nagagawa naman aniya ang pagbibiyahe sa mga ito batay sa itinatakdang panahon.
Sa Oktobre, inaasahan nang makukumpleto ang transaction para sa 450,000 dose ng bakuna at susunod na lamang ang iba pang dose.
Ito ay maliban pa sa sampung libong dose na posibleng matapos nang iturok sa mga babuyan ngayong buwan. Ang naturang bilang ay bahagi rin ng kabuuang 600,000 dose.
Umaasa si Sec. laurel Jr. na magagawa ng DA ang vaccination program nito nito batay sa schedule.